Ebanghelyo Ngayong Linggo — Matthew 21:33-43
Ebanghelyo Ngayong Linggo · Oktubre 4

Ebanghelyo Ngayong Linggo

Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Matthew 21:33-43

Sinusunod ng pagbasang ito ang iskedyul ng Katolikong lectionary, pero ang teksto mismo ay mula sa Ang Dating Biblia (1905, pampublikong ari-arian) -- hindi ito opisyal na saling-Katoliko.

Gusto mo bang makinig? Ito ang buong kabanata -- bahagi nito ang pagbasa ngayon, magsisimula sa talata 33.

Pakinggan ang kabanatang ito

  1. 33Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.
  2. 34At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga.
  3. 35At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila ang isa, at ang isa'y pinatay, at ang isa'y binato.
  4. 36Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan.
  5. 37Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak.
  6. 38Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito ang tagapagmana; halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana.
  7. 39At siya'y hinawakan nila, at itinaboy siya sa ubasan, at pinatay siya.
  8. 40Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon?
  9. 41Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.
  10. 42Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?
  11. 43Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.

Ibahagi ang kuwentong ito

Kopyahin ang link, pagkatapos i-paste ito sa iyong Instagram post, story, o bio.